Sabado, Hulyo 26, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng mga sinaunang Romano, ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka).


Kahulugan at Pagkakabuo ng Kabihasnan

Ang pagsasaka ang susi ng isang kabihasnan. Ang maayos at mahusay na pagsasaka ay nagbubung a ng sapat o sobrang pagkain. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga patubig napaparami ng mga magsasaka ang lupang kanilang mapagtatamnan at gayundin ang dami ng pagkain na kanilang aanihin. Ang pagkakaroon ng sobrang pagkain ang nagbibigay-daan para sa espesyalisasyon ng paggawa may mga taong nag-iba ng kanilang gawain upang maging artisano, mangangalakal, pinunong politikal, pari, o kaya sundalo. Ang mga bagong gawaing ito ay nagdala ng mga makabagong larangan na mahalaga sa paghubog ng isang kabihasnan.
Upang matawag na mayroong sibilasyon ang isang lipunan kailangan taglay nito ang mga sumusunod na katangian:

  • Pagkadalubhasa sa Gawa - Sangkap ng ng isang sibilisasyon ang pagkakaroon ng mga taong may tiyak na gawaing ginagampanan tulad ng tagagawa ng palayok, tagahabi ng tela, tagapanday ng metal, o tagatala ng ani sa pagsasaka.

  • Pag-aantas ng lipunan - Habang umuunlad ang isang sibilisasyon, ang mga pangkat na maituturing na dalubhasa ay nagkakaroon ng kapangyarihan sa lipunan tulad ng mga pari, sundalo, at artisano. Sa paglipas ng panahon, magbibigay-daan ito sa herakiyang panlipunan.

  • Pagtatag ng mga lungsod - Mahalagang katangian ng isang sibilisasyon ang pagkakaroon  ng lungsod na nagsislbing sentro ng kalakalan, pamamahala, at pananampalataya.

  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pamamahala - Taglay ng isang isang sibilisadong lipunan ang mga taong mamamahala, magpapatupad ng batas, at mangangalaga sa mga nasasakupan.

  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pagsulat - Kinakailangan ang sistema ng pagsulat upang magkaroon ng maayos na pagsasagawa ng trabaho sa pamamahala, pakikipagkalakalan, at pagtatala ng kasaysayan at kalinangan ng isang lipunan.

  • Pagkakaroon ng mataas an kalinangan - Ang pagkakaroon ng magkakatulad na pananampaltaya, paniniwala, at kaugalian ay magsislbing batayan ng pagkakaisa at pagkakakilanlan  ng isang lipunan.

Simula ng kabihasnan sa Mesopotamia

Heograpiya

Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga at Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan naman ng Mesopotamia sa timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa timog-silangan ay ang Golpo ng Persia.
Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego na ang kahulugan ay "Lupain sa pagitan ng mga ilog." Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang ilog Tigris at ilog Euphrates. Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa mga ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya.





















Mapa ng Fertile Crescent


Pagbuo ng mga Lungsod-Estado sa Sumeryo (Sumer)

Sa paglipas ng panahon, ang maliliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk,Kush,Lagash,Umma, at Ur. Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeranyo ay pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa mga templo na tinatawag na ziggurat. Ang mga pari ang nagsisilbing namamagitan at tagapag-ugnay sa mga tao sa diyos at tagapamahala rin sa pagbuo ng irrgasyon. Gayunman, dulot ng pakikidgma, unti-unting napalitan ang mga pari ng pinuno ng mga mandirigma na kalaunan ay naging mga hari. Mula 3000 hanggang 2500 BCE, napasailalim sa pamumuno ng mga hari ang mga lungsod-estado ng Sumer.
Ang lipunan sa Sumer ay napapangkat sa apat. Ang unang pangkat o iyong nasa itaas ay kinabibilangan ng mga pari at hari. Ang ikalawang pangkat naman ay binubuo ng mga mayayamang mangangalakal. Ang ikatlong pangkat at pinakamarami ay binubuo ng mga magsasaka at artisano. Ang ikaapat at pinakamababang antas sa lipunang Sumeryanoay binubuo ng mga alipin.




















Ziggurat



Ang mga Unang Imperyo

Akkadian

Dulot ng pakikidigma ng mga lungsod-estado ng Sumer sa isa't isa, humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kani-kanilang mga territoryo. Dahil dito unti-unting nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng kaharian ng Akkad na pinamumununan ni Sargon the Great. Sa ilalim ng pamumuno ni Haring Sargon, lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang imperyo. Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at pagkatapos ay nagkawatak-watak muli ang mga nasakop na bayan.







Busto ni Haring Sargon


Assyrian

Mula sa 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo. Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay gilawang lalawigan at mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalanang hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.
Ngunit hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-alsa ang kanilang mga nasaskupang mamamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan. At pagsapit ng 612 BCE, tuluyan nang nagwakasang imperyong mga Assyrian nang talunin ito ng puwersa ng mga chaldean at ibang kaanib ng kaharian.

Babylonian

Sa pagsapit naman ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghahari sa Mesopotamaia. Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon(nangangahulugang pintuan ng langit). Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1752 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok na kapangyarihan sa ialim ng pamumuno ni Hammurabi. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop na pastrolistang nomadiko.


Isang iskulptura na tungkol kay Hammurabi na nakatayo sa harap ng isang diyos.

Chaldean

Sa pagkatalo ng mga Assyrian, itinatag ng mga Chaldean ang kanilang mga kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Muling naging sentrong bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang mahigit 1000 na taon nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.
Naging tanyag na mga hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar. Ito ay dahil sa pinagawa niyang Hanging Gardens na itinunturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. ito ay bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amyitis. Pagsapit ng taong 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang  kaharian ng mga Chaldean.

















Ang tanyang na Hanging Gardens sa Babylon

Kabihasnan Sa Ehipto (Egypt)

Lokasyon at Heograpiya

Natatangi ang lokasyon ng Egypt sa pagkat napalibutan ito ng mga disyerto. Matatagpuan ito sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai, sa timog naman ay ang Disyerto ng Nubia, at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsyo.
Nakasentro sa pagsasaka ang kabuhayan ng mga tao. Umasa sila sa regular na pag-apaw ng Ilog Nile na nagsisilbing patubig at nagdadala ng Silt na pampataba sa kanilang mga pananim. Ang biyayang hatid ng ilog ay nagdala ng pag-unlad sa Egypt kaya ininlarawan ng Griyegong historyador na si Herodotus na ang Egypt ay "Handog ng Nile." Gayunpaman, nakaranas din ang Ehipsyo ng taggutom kung hindi sapat ang apaw ng Ilog Nile at pagkasira naman ng pananim at kabuhayan kung labis ang pagbaha.





















Mapa ng Egypt


Simula ng Kabihasnan sa Ehipto (Egypt)

Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod lamang ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumumuno ni Menes noong 3100 BCE, ang kabisera sa Memphis  at itinaguyod ng unang dinastiya sa Egypt. Sa paglipas ng 2 6000 na taon, nagkaroon ng 31 dinastiya na namuno sa kaharian. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: ang Lumang kaharian, Gitnang Kaharian, at ang Bagong kaharian.

Ang Lumang Kaharian

Sa panahong ito nagsimulang tawagin paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon din ay itinuturing ding isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt. Bilang pinuno ng hukbo tungkulin gn paraon na pangalagaan ang kaharian mula sa mga mananakop. Tungkulin din niya ang pagsasaayos ng transportasyon, komyunikasyon, at pakikipagkalakalan sa ibang mga bayan. Tumutulong sa kaniya ang isang punong ministro na namamahala sa paniningil ng buwis, pagsasaka, at pagsasaayos sa irrgasyon.
Tinatawag ding "Panahon ng mga Piramide" ang Lumang Kaharian. Ito ay dahil sa panahong ito nagsimulang magpatayo ang mga paraon ng mga lbingan na hugis piramide. Ang unang piramide ay para kay Paraon Djoser na baitang-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara. Ang mga sumunod na paraon ay nagpatayo pa ng mga piramide na higit na malaki sa pinalitan nilang paraon.
Ang mga piramide ay patunay na katatagan ng pamamahala ng mga paraon at husay ng kanilang kabihasnan. Ang maayos na disenyo at pagpaplano ng gusali ay tanda ng kaalaman sa matematika at pagpapakilos sa libo-libong manggagawa at mataas na antas ng kasanayang panlipunan ay marka ng mabisang pamamahala ng mga paraon.
Nagwakas ang Lumang Kaharian dulot ng magkakaugnay na suliranin tulad ng kakulangan sa pagkain dahil sa tagtuyot, magastos na halaga ng pagpapatayo ng piramide, at agawan sa kapangyarihan ng mga maharlika na humantong sa pagkakahati ng Egypt sa malililiit na kaharian.







Piramide ni Paraon Djoser

Ang Gitnang Kaharian

Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Ito ay ang pagsimula ng Gitnang Kaharian. Muling pinalakas ng paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalakaran ng ibang mga lupain. Gayunman, ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya naman kininlala rin ito sa pangalang "Panahon ng maharlika ." Sa panahong ito, nakipag-ugnayan  ang mga Ehipsyo sa Syria upang kumuha ng cypress,lapizlazuli, at iba pa. Nakipagkalakalan din sila sa Nubia upang mkakakuha ng ebony at insenso.
Naging maunlad din ang pakikipagkalakan gamit ang mga bangka na nagtutungo sa Crete upang magbenta ng palayok, tela at mga alahas.
Kalaunan, sa silangan bahagi ng Egypt ay may naitayong pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ay mga migrante mula sa Palestine na may angking kaalaman sa paggamit ng charriot at pagpapanday ng Bronze para gawing sandata. Unti-unti, lumakas ang kapangyarihan ng mga Hyksos hanggang sa madaig din nila ang paraon at makapagtatag ng sariling dinastiya sa Egypt. Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ng mga Hyksos sa loob ng 160 na taon. napatalsik lamang sila sa Egypt sa isang pagaalsa na 
pinamumunuan ni Ahmose I ng Thebes.
























Estatwa ni Haring Metuhotep


















Lapiz Lazuli

















Cypress





















Imahe ng isang paraon habang nakasakay sa chariot






















Isang upuang gawa sa ebony wood


Ang Bagong Kaharian

Nagsimula ang bagong kaharian sa pamumuno ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Muli niyang isinaayos ang pamahalaan at pinabukas muli ang mga minahan at rutang pangkalakalan. Sinakop din niya muli ang Nubia at Canaan kaya tinagurian ding "Panahon ng Imperyo" ang mga pamunuan ng mga paraon ng Bagong Kaharian. Kabilang sa mga natatanging paraon  ng bagong kaharian ay si Reyna Hatshepsut na ang unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon. Humalili sa kanya si Thutmose III na pinalaki pa ang territoryo nang sakupin ng buong Ehipsyo ang mga lupain hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang sa Nubia sa katimugan. Nang maging paraon naman si Ramses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi-Ramsses at ang mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramsseum. Nakapagdigma rin siya sa mga Hitito ng Syria at kalaunan ay nakipagkasundo sa kanila.






















Ahmose I




















Reyna Hashepsut


















Thutmose III

















Ramses II

Katangian at Kabihasnan

Relihiyon

Katulad ng mga taga-Mesopotamia, ang paniniwala ng mga Ehipsyo ay politeistiko. umabot sa mahigit 2000 ang diyos ng mga Ehipsyo. Ilan sa kanilang mga diyos ay si Ra ang diyos ng araw, si Horus ang diyos ng liwanag, at si Isis ang diyos ng mga ina at asawa.
Naniwala rin ang mga Ehipsyo na may buhay matapos ang kamatayan. Ayon sa kanila, ang ginawa ng tao habang nabubuhay ang batayan  sa paghuhusga kung siya ang mapupunta sa "paraiso ng kabilang mundo' o lalamunin ng "mangangain ng kaluluwa."
Lahat ng Ehipsyo ay naghahanda sa kanilang kamatayan. Nagpapatayo sila ng mga libingan na paglalagakan ng kanilang mga mummy o mga labi. Ang Mummification ay ang proseso ng pag embalsamo ng katawan ng patay upang hindi mabulok.
Sinasamba rin ng mga Ehipsyo ang kanilang mga pinuno. Pinaniniwalaan nilang ang bawat paraon ay may ka o eternal spirit na kanilang punan ang pangangailangan kapag pumanaw na sila. Kung kaya ito ang dahilan kung kaya binuo ang mga piramide na nagsilbing libingan ng mga mortal na katawan ng hari. Sa mga taong 2660 hanggang 2450 BCE, nabuo ang mga piramide ng Egypt. ang pinakamalaking piramide sa lahat ay ang piramide na ipinatayo ni Cheops (Khufu) na may taas na 40 na palapag at may lawak na 13 acres.


 

Mga diyos ng mga Ehipsyo

















Anubis














Mummification












Isang Mummy

Lipunan

Maihahambing sa isang piramide ang anyo ng lipunan sa Egypt. Ang paraon at ang kaniyang pamilya ay nasa pinakaitaas na bahagi. Kasunod nito ay mga opsiyal ng pamahalaan, pinuno ng hukbo, at mamamayang may-lupa. Sa ikatlong bahagi naman kabilang mangalalalkal at artisano. At sa pinakababang bahagi ay ang mga magsasaka ta mangagawa na bumumbuo sa pinakamalaking bahagi ng populasyon sa Egypt.

Pagsulat

Ang pag-unlad ng sistema ng pagsusulat ay susi sapaglago ng kabihasnang Egypt. Sa pamamagitan nito, naitala nila ang kanilang paniniwala, kasaysayan, pag-aaral, st iba pang bahagi ng kanilang kultura.
Sa panahon ng sinaunag Egypt, tinutumbasan ng hugis o larawan ang isang bagay. Halimbawa, ang larawan o hugis ng tao o ibon ay katumbas ng ideya ng tao at ng ibon.
Sa paglipas ng pananhon, nagbago ang ganitong sistema ng pagsuslat. ang mga larawan ay nagiing katumbas na ng mga tunog at tinawag ang bagong sistemang ito na hieroglyphics.
nagsusulat ang mga sinauang Ehipsyo sa bato at luad, hanggang sa maimbento nila ang papel na mula sa papyrus reeds.















Papyrus Reeds















Hieroglyphics


Agham at Teknolohiya

Ang mga imbensyon ng mga ehipsyo ay tugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. Lumikha sila ng sistema  ng nakasulat na numero para sa pagbibilang ng buwis, produkto, at iba pa. Gumagamit din sila ng isang makalumang paraan ng heometriya sa pagsukat ng kanilang lupain matapos ang regular na pag-apaw ng Ilog Nile. aAng Husay naman nila sa matematika ay sinasalamin ng matayog na piramide at mga palasyo. bumuo rin ang mga Ehipsyo ng  isang kalendaryo na nakabase sa bituin ng Sirius. umaabot ng 365 na araw ang kalendaryo at nahahati ito sa 12 buwan na may 30 na araw at nagdadagdag ng 5 araw para sa mga espesyal na okasyon. Ayon sa mga historyador, ang kalendaryo ay may kaibahan lamang ng 6 na oras sa isang solar year.
Kilala rin sa larangan ng medisina ang mga sinaunang Ehpisyo. Karamihan sa mga isinulat nila ay tungkol sa mga mahikang pagpapagaling. Mayroon din silang kaalaman sa pagkuha ng pulso ng tao, pagsasaayos ng mga butong pilay at bali, at paggamot sa sugat at lagnat.




















Bituin ng Sirius


Kabihasnan Sa India

Heograpiya

Sa hilagang ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoram, at Himalaya na pinagmumulan ng tubig ng ilog. Pinagigitnaan naman ng Disyerto ng Thar sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao. Noong 2500 BCE, naglatag naman ang mga  taga-Indus ng mga lungsod na gawa sa laryo. Tinatayang umabot sa mahigit 100 lungsod ang matatagpuan sa pampang ng ilog. Ang mga pinakamalaking lungsod ang mga matatagpuan sa pampang ng ilog. Ang mga pinakamalaking lungsod ay ang Kalibangan, Mohenjo-Daro, at Harappa. Nakasalalay sa Agrikultura ang Kabuhayan ng mga tao. Ang mga pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, palay, at bulak. Nag-aalaga rin sila ng mga baka, kambing, tupa, kalabaw, at elepante.Mayroon ding nagaganap na kalakalan ng mga taga-Indus at taga-Mesopotamia na ikakinakakalakal ang mga metal at brilyante kapalit ang mga garing (ivory) at ibang mga kasangkapan na mula sa Indus. Ang katangi-tangi sa kabihasnan ng mga taga-Indus ay ang pagsasaayos ng  kanilang lungsod. Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system, kung saan nahahati ng mga kalsada ang buong lungsod at nagkakaroon ng mga bloke ng lupain na pagtatayuan ng mga tahanan at ibang estruktura. Ang mga tahanan ay may pare-parehong sukat na may taas na isang palapag lamang. Walang binatang nakaharap sa kalsada bagkus ay may courtyard sa loob ng mga tahanan.Sa kanlurang ng mga kabahayan ay ang citadel na tinayuan ng mga pampublikong gusali, malaking paliguan, at mga templo. Sa labas ng lungsod ay ang libingan at mga imbakan ng pagkain. Itinuturing na nauna ang ga taga-Indus sa paglikha ng sistema ng maayos na mga daluyan at kanal na naglalabas ng maruming tubig mula sa mga tahanan. Patunay lamang na mayroong isang matatag at sentralisadong pamahalaan ang mga taga-Indus na makapagplano at makapagpatupad ng isang lungsod na pinahahalagahan ang kalinisan. Bagama't walang naiwang tala ng kanilang buhay ang mga taga-Indus, mahihinuhang maayos ang kanilang pamayanan. Mula sa mga nahukay na batis arkeolohika, bihasa ang mga artisano ng Idnus sa paglikha ng mga kasangkapan, palamuti, at laruan gamit ang bronse, ginto, pilak, luad, o kaya bato, Mayroon ding nilikha na stamp seal ang mga taga-Indus na may sulat na hindi pa rin matukoy ang kahulugan. Ipinipalagay na ang mga ito ay marka ng mga mangalalakal na itinatak sa kanilang mga produkto. Maraming haka-haka ang nagbibigay linaw ang biglaang pagbagsak ng mga lungsod sa Indus. Ayon sa iba, diumano'y nagbago ang landas ng tubig ng ilog Indus dahilan upang mapilitang mangibang-lugar ang mga tao dahil sa kawalan ng tubig  na nabubuhay sa kanilang pananim. May iba naman nanagsasabing ang pagbagsak ng lungsod ng Indus ay bunsod ng labis na paglinang na ginawa ng mga tao sa kanilang likas n yaman. Unti-unti ay naubos ang diumano ang mga puno sa kagubatan at nasira rin maging ang mga lupain bunsod ng labis na pagasasaka. Sinasabi naman ng ilan na ang pananalakay ng mga Aryano at mga kalamidad ang mga naging sanhi ng pagbagsak ng mga dakilang lungsod ng Indus.


















Ang Grid System ng Mohenjo-Daro.

Panahong Vediko ng mga Aryano

nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano  na pumasok sa lambak ng Indus simla 1500 BCE. Kabilang sila sa lahing Indo-Europeo na mga nomadikong pastoralista na nag-ambag sa pagsulong ng kabihasna sa India. ang tanging tala ng kanilang buhay ay mahahalaw sa Vedas.
Antas ng mga Tao sa Lipunan
Ang mga Aryano ay nagpasimula ng sistemng kasta (Caste System) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano  sa mga nasakop nilang Drabidyano. Sa simula, nahati lamang ang mga Brahmin, binubuo ng kaparian; ang mga kshatriya, binubuo ng pinuno at mandirigma; at ang mga Vaishya, binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka. Kalaunan, nabuo ang ikaapat na antas ng lipunan na tinawag na mga Shudra. Kabilang sa pangkat na ito ang mga lahing hindi Aryano. Samantala, ititnuturing namang hindi kabilang sa kasta ang dalit o tinatawag na mga untouchable. Kabilang dito ang mga mamamayan na mayroong hindi malinis na trabaho tulad ng pagiging matador, basurero, at sepulturero.

Panitikan

Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India-ang Mahabharata at Ramayana. Tinatayang nabuo ang Mahabharata ng 1000 hanggang 700 BCE. Ito ay naglalaman ng 90,000 taludtod at ititnuturing nga isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo. Inilalahad sa Mahavharataang digmaan na pinamumunuan ng limang mgakakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, at Sahadevamatagumpay nilang nabawi ang kanilang kaharian sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Samantala, tulad ng Mahabharata, ang Ramayana ay nasa anyong patula rin. Inilalahad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kaniyang asawa na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinuno na si ravana. Dahil dito, nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.

Pananampalataya ng mga Aryano

Tampok na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Sa simula, magkatiwalas o magkaiba ang pinaniniwalaang diyos ng mga Aryano at ang kanilang nasasakupang Drabiyano. Kalaunan, unti-unting  nagsanib ang mga paniniwala ng dalawang pinagmulan ng Hinduismo. Ayon sa kanila, ang relihiyon ang tanging paraan upang lumaya ang kaluluw ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay. Sinuri ng mga guro ang nilalaman ng mga Vedas at kanilang nabuo ang aklat na Upanishads. Ang Upanishdas ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral. Patungkol ang mga diyalogongito sa paraan kung paano makakamit ng tao ang paglayaniya mula sa pagdurusa. Batay sa sulatin, kailangnang maunawaan ng tao ang kaugnayan ng atman (ang kaniyang kaluluwa0 at ang Brahman (Ang kaluluwa ng mundo0. Kapag nakamit ng tao ang moskha (ganap na pagkakaunawa sa ugnayan ng atma at Brahman), makakamit niya ang kalayaan mula sa Samsara (Siklo ng pagsilang, kamatayan, at muling pagkabuhay). Gayunman, naksaad din s sulatin na hindi makakamit ng isang tao ang kalayaan sa isang sa sang buhay lamang. Magkakaroon ng inkarnasyon ang kaluluwa ng paulit-ulit na magaganap hanggang sa makamit na ng tao ang moshka. Sa kabilang banda, ang karmana may kaugnayan sa ginagawang kabutihan o kasamaan ng isang tao ang magiging basehan ng kaniyang pagkabuhay muli. Ang paniniwala sa inkarnasyon ang nagpatibay sa sistemang kasta. Halimbawa, kung ang isang lalaki ay ipinanganak na kabilang sa mataas na antas ng kasta, iyon ay dahil sa mabuting karma na ginawa niya sa nakaraanng buhay. Samantala, kung ang isang tao naman ay ipinanganak na babae, manggagawa, o kabilang sa mga dalit, ang kaniyang kalagayan ay sanhi ng masamang karma na ginawa niya sa nakalipas niyang buhay. Sa paglaganap ng relihiyong ng mga Aryano at ng kanilang sistemang kasta, maraming tao ang tumutol sa patakaran. Dahil dito, dalawang relihiyon ang sumibol bilang pagtutol sa Hinduismo. Ito ay ang Buddhismo at Jainismo.